Tuesday, May 6, 2008

racial discrimination

hmmm na mi-miss ko si Uncle Sam, almost 8 months na pala mula ng huli ko siyang makausap, matagal tagal na rin un, nakaka miss din pala, noon halos araw araw ko siyang nakikita at nakakausap nakukuliltan din paminsan minsan lang naman, eh kc nga hehehe in fairness masarap s'yang kausap, marami siyang kuwento.
Uncle Sam is an american friend, born and raised in New York, napadpad dito sa Philippines a few years back, paminsan minsan biktima rin si uncle Sam ng racial discrimination kung ang akala ko possible lang iyon sa ating mga pinoy ganon din naman pala kapag mga kano na ang napunta dito, wala palang pagkakaiba, sila rin pala! eh kasi nga ang tinigin ng ilan sa ating mga filipino (un ay di ko nilalalahat) na pag foreigner specifically pag kano ay maraming pera sabagay ang tingin naman natin sa bumbay ay maraming pera din db? pero magkaiba naman ang trato natin sa bumbay at kano.
sa simpleng pagsakay niya sa trycycle sbi nya palagi na lang ung trycycle driver automatic dapat may tip tinanong niya ako kung talaga ba raw ganon at kung ako ba ay nagbibigay din, sabi ko hindi then he replied oh-owwww.

nangungupahan lamang sa isang bungalow house sa isang subdivison kung saan kailangang sumakay ng tricycle sa tuwing lalabas at babalik dahil may kalayuan din mula sa main gate. mahirap din lang si uncle Sam pero akala ng iba dahil nga foreinger maraming dollar. umaasa lang sya sa kanyang monthly pension na sapat lamang para makabayad ng lahat ng gastusin sa pang araw-araw, kuwento niya nagbibigay siya ng tip na P 5 to 10 pesos yon ay kusang loob, bukod pa syempre sa minimum fare kung magkano man yun. kaso ang sabi ng trycle driver na un daw matandang yon (pertaining kay uncle sam) napakaliit ng tingin sa ating mga Filipino, na akala daw ng mga kano na yan napakalaki na ng P 5.oo o ng 10.oo na iniabot nya bilang tip kuwento naman ng kanyang caregiver. i told him uncle Sam na no need to give extra money or tip dahil tayo namang mga filipino hindi naman nagbibigay.
una kong nakilala si uncle Sam ng nagpapa fax siya ng statement of account niya to Bank of America namahalan yata sa singil ng operator kaya ang nangyari may nag suggest na mag online banking na lang. nagpatulong siya sa aking sa pag enroll ng account niya through online banking.

then almost every month he needs to check if his SSS pension is already credited to his account and how much is his remaining balance, yun ang naging simula ng isang magandang pagkakaibigan...... to be continued...............